Mahirap ang buhay ngayon. Maraming pagbabago at kailangan nating mag-adjust sa ating mga gastusin. Pero hindi mawawala sa ating mga Pilipino ang magdiwang ng Pasko. Kaya naman naghanda kame ng mga iwas stress at tipid tips ngayong Pasko.
1. Mag DIY (Do It Yourself) ng mga panregalo.
Kung ikaw ay may talento sa paggagantsilyo ay pwede mong panregalo ang sweater, manika at wallet na mga gawa mo. May alaga ka bang mga halaman? Perfect ito para sa mga aspiring plantito at plantita. Kung mahilig ka naman magdrawing, ang paggawa ng caricature ng mga kapamilya at personalized greeting cards ay maganda ding pambigay. Bukod sa ito’y personal, makahulugan din ito para sa taong pagbibigyan mo.
2. Magtiyagang Maghanap ng Naka-Sale na Pan-Regalo
Matiyagang mag-antay ng mga “sale” upang makatulong sa budget sa pamimili. Pagplanuhan ng mabuti ang mga bibilin para makatipid at makaiwas sa Christmas rush.
3. Mag-Reuse ng Dekorasyon sa Bahay
I-reuse ang mga dating gamit. Magrecycle ng mga bagay na pwede ang gamitin na Christmas decoration. Magandang activity para sa mga kids at bonding time with the family.
4. Maglaan ng Tamang Budget
Mag allot lamang ng budget at iwasang gumastos ng sosobra dito. It’s the thought that counts.
5. Magbenta or Makipag-Barter
Usong-uso ngayon ang makipag barter ng mga gamit. Hindi mo alam na ang gamit na hindi na natin kailangan ay mapapakinabangan pa ng ibang tao. Makipag barter ng mga bagay na meron ka, kapalit ng kailangan mo. Makakabawas ito sa kalat sa bahay. Makakatulong ka pa sa ibang tao.
6. Bumili lang ng Kailangan
Iwasang bumili ng mga gamit na hindi naman kailangan. Mas makabubuti din na ang ibibigay na regalo ay magagagamit ng taong pagbibigyan mo. Kailangan ba nya ng magagamit sa school o sa trabaho? Mas magandang yun ang ibigay sa taong reregaluhan mo.
7. Spend the Holidays with Your Family
Spend holidays with your family. Maraming realization ngayong pandemya. Isa na jan ang pagkakaroon ng matatag na support system katulad ng ating pamilya. Mag ukol ng oras para makasama ang sila. Minsan, ang presenya natin ay regalo na sa kanila.
8. Magpasalamat at Tumulong sa Kapwa
Huwag kalimutan magpasalamat sa mga biyaya. Magbigay ng tulong sa kapwa, lalo na kung ikaw ay merong extra. Ipagpaliban muna ang magarbong selebrasyon. Tandaan natin na ang diwa ng Pasko ay ang pagbibigayan at si Hesus na ang dahilan ng selebrasyon.
Ngayong panahong puno ng pag-aalinlangan ay kailangan nating matutong magtipid. Maging creative at resourceful ka lang. Hindi kailangan ng mamahaling regalo. Importante ay safe ang buong pamilya.
Sana ay nakatulong ang aming mga iwas stress at tipid tips para sa pasko ngayong panahon ng pandemic.